Gloc-9 – Intro Ni Aristotle

Ang pangalan ko ay Aristotle Pollisco
Nag-aral sa Binangonan Elementary School
Nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Morong Rizal
Nag-aral ng kolehiyo
Natigil
Nagpatuloy

Ano ba ang pwede kong sabihin na medyo ‘di matulin
Para lang maabutan ang gusto kong habulin
Pang lima ko nang trabaho ‘to akalain mo
‘Di ako nagbibiro pambili ng pagkain ‘to
Hindi ito siga song, nagkakamali ka chong
Tinunaw na stayro pangtapal sa butas ng bubong

Dapat laging sakto ang hinga mo dahil si Gloc ‘to
Parang sinabi ni Shawn Carter na the roc ‘to
Sino yun si Jay-Z simple parang A-B-C
‘Nungaling mamahaling rapper na bineybi
Ng mga katropa para lamang maiguestlist
Ang magpakaegoy ang laging una sa checklist
Kumain ng breakfast para ‘di ka wreck less
At mahibang magyabang parang itim na Elvis

Kung ‘di man ako makagawa pa ng isa
Pagkatapos ng lahat, sana ay natuto ka na
Kasi kung nagkataon hanggang leeg mo ay baon
Iisa isahin ko sayong mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang
‘Di ka ba sinabihan ng nanay mo huwag kang magyabang

Updated: 30 November 2017 — 13:29

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *